Friday, January 12, 2007

My boyfriend's back!



Finally, my boyfriend's back! LOLz

After Undas nagsimulang topakin yung MP3 player ko (my boyfriend-hehe!). Kusa siyang nagpa-power off kahit fully-charged yung battery. I thought nung una baka leaked out na 'yung rechargable batteries so I bought fresh ones kaso ganu'n pa din after a few days.

Around 3rd week of November, I've decided to bring it to the retailer. After a week, sinauli sa akin, ganun pa din! Sira pa din siya.

December came, ibinalik ko ulet sa retailer (E-Hub, Alabang Town Center). Sinasabi ko sa inyo, pinipigilan ko lang magnga-ngakngak dun kasi naman nakaka-ilang balik na ako, hindi pa rin nila magawa-gawa! That time sising-sisi na ako ba't sa Town Center pa ako bumili. Sana sa Festival Alabang na lang, kasi ang mahal ng pamasahe kung sa ATC pa, PhP30 balikan! Namputsa! Tapos 'alang nangyayari sa MP3 player ko, sira pa din. Sino ba naman hindi maiinis nu'n!

So ayun, iniwan ko na lang ulit, no choice eh! Nag-antay ako before Christmas wala akong text na natanggap. Sabi ko, "Shit, next year na sa akin 'to maibabalik."

In short, nag-Pasko ako at nag-New Year na hindi kapiling ang pinakamamahal kong asawa. Yun na nga lang kasama ko sa ligaya at lumbay, ipinagkait pa.

Pagpasok ng January, kinulit ko na sila. Sa awa ng Poong Maykapal, ayun okey na daw, pwede ko na daw pick-upin.

Laking tuwa ko nung pagpunta ko dun kasi replacement unit na yung binalik sa akin. As in bago talaga! (unit lang, pwere earphones, USB cable, CD installer, et. al) Actually, ine-expect ko 'yun luma pa rin ibibigay nila eh. Sasabihin nila gawa na pero ang totoo, ni baka hindi nila dinala sa supplier 'yung unit at pagdating ko sa bahay eh sira pa din siya.

Kung gano'n ang mangyayari, gagawin ko na lang siyang flash drive kasi working pa naman sa PC. Ang problema nga lang eh namamatay yung unit que fully-charged o bago ang battery na ginagamit.

Masaya na ulit mga gabi ko, hehe!

2 comments:

Leo said...

Hi!
Im anna. Im just one of your million fans. I just love your blog.

Can i ask a favor, do you have any pix or clips of Francis Torres, f you have would you mine to send me copy thru these email address: annazitro@yahoo.com.ph. Thanks..

Anonymous said...

ano ba gusto mo kay francis torres? pokpok un..U want some advice? Here..Francis Torres dislikes one nite stand kind of relationship thing..gusto nya talaga ung "relationship"in the sense na lahat pera mo lilimasin nya...I was an eyewitness to what he did to my good friend..hay buhay...

Profile

Miong21
Google +

Search This Blog

Loading...

Miong @ Twitter


 

Design by Blogger Buster | Distributed by Blogging Tips


Disclaimer | Contact