Finally nakarating na rin ako sa amin sa Bicol. Matagal ko na ring gustong makapunta dun. Hindi rin ako maisama dati kasi delikado raw ang daan lalo na sa Bitukang Manok at sa Sta. Elena, Camarines Norte.
It’s nice going back to your roots. Makilala mga kamag-anak, get together baga.
Malayo pala kami sa Mayon Volcano. Akala ko naman malapit lang. Bale sa Vinzons kami, Sitio Mancawayan to be the exact which is a few kilometers away from Daet, Camarines Norte. Tanaw ang Bundok Bagacay.
Okay sa Daet, pero parang town proper rin lang ng Muntinlupa. Sa Vinzons naman, puro bukirin. At malamang mahirap duon ang transportation dahil bibihira lang ang jeep at tricycle. Buti na lang, kasama naming yung isa kong uncle na may sasakyan.
at the front door of St. Peter the Apostle Parish, (Vinzons, Camarines Norte)
We left San Pedro, Laguna around 9am on February 11, stopover for lunch sa Gumaca (ang ganda ng Lamon Bay!) dumating kami ng Daet around 4pm na.
Given an opportunity, mas gugustuhin kong manirahan dun. Magsaka ng palay at magtanim ng gulay. Leave everything here in the city behind. Life is much simpler there. Yun nga lang, walang internet. Sa Daet meron.
Contrasting kasi yung place ng Lola Lina ko is a two-storey house. Tapat nila is yung malawak na bukirin. I never got the chance to fetch water from a water pump, take a bath on a makeshift cubicle. Parang nasa Manila rin. And they were very hospitable. At ang sasarap ng pagkaing Bicol. Buti na lang mga Bicolano kami hehe!
in front of the Ojeda family chapel
Yung sinantol, ginatang papaya, mga isda lahat sariwa and yung iba hindi ko na matandaan ang pangalan. Haha!
Hindi na namin nalibot ang Daet kasi kulang na sa oras. Napaaga ang alis namin, imbes na February 14 (Wednesday) ng umaga, February 13 (Tuesday) na ng umaga kami umalis. At maghapon ng Feb. 14 natulog lang ako dito sa house sa tindi ng pagod at puyat sa biyahe at lamay.
Na-postponed din ang libing gawa ng hinihintay nila yung isa kong auntie na manggagaling ng Switzerland.
Aunt Fe, Lola Lina (widow to Lolo Neri), Uncle Willy and ‘Miong’
Tuwing May 19 ang reunion sa amin sa Bicol. Sana maisama ulet ako ng auntie at uncle ko. Week-long festival din yun. Baka makapag-hands on pa ako ng pagsasaka. Oh, how I wish! Here’s hoping!
how are you related to the ojeda's. my grandmother is OJEDA. i've been in that chapel, i think once. when we sponsored one mass when i was still in high school.
ReplyDeleteNice description of your trip. I was born in Daet. I am related to Wenceslao Vinzons, the person whom your town was named after. Never visited Vinzons before but I will most likely try to make it there the next time I visit. Thanks for the tour of your trip.
ReplyDeleteoh tlga sa vinzons, camarines norte pala u kbabayan pla kita, ako taga-daet, camarines norte me dun me lumaki at pinanganak, actually d2 me now s manila, sad kc me dun kc nagiisa nlng ako kng tutuusin mganda tlga dun sariwa ang hangin at ska malinis pa lalo n s bagasbas beach,marami p u di pa nararating dun sa atin, dami2x pwede pasyalan, marami falls at resort dun, taga-daet mismo ako malapit sa city proper,sna mkikilala kita in personal
ReplyDeleteAko din tagaVinzons. hehehe
ReplyDelete